Thursday, February 14, 2008

'd bus

Ang pagco-commute sa isang public bus ay isa sa mga bagay sa bughaw at berdeng planetang ito na nagpapairita sa akin. Halos buong-buhay ko nang ginagawa ito, pero, hanggang ngayon ay kinaiinisan ko pa rin ng buong-buo, at never kong mamahalin ang ganitong uri ng iritasyon. Nakikinita ko ang aking dear bitchy self sa loob ng crowded bus kasama ang mga unfamiliar people, nagsisiksikan tulad ng sardinas sa loob ng maliit na lata. Hindi ako maarte, kaya lang hindi ako sanay sa maraming tao, lalo pa at hindi ko mga kakilala. At the mere sight of them, nahihilo ako. Walang sariwang hangin na malalanghap kundi ang magkahalong amoy ng mga nasal congestive perfumes at nakakasukang amoy ng pawis.
Madalas akong nakaupo sa tabi ng bintana para doon ibaling ng aking paningin sa mga tanawin sa labas at para ilayo ang aking tsinitang mga mata sa loob ng bus. Kailangan ko ng hangin para mapakalma ang aking sarili.
Isa pang madalas kong kinaiinisan ay ang pagkakaroon ng madaldal na seatmate. Masyado na akong maraming kaibigang talkative kaya hindi ko na kailangan pa ng karagdagang sakit sa tenga. Gusto ko ng katahimikan habang papauwi sa probinsya mula sa maingay na lungsod.
Sad to say, hindi ko pagmamay-ari ang bus, kaya napipilitan akong itikom ang aking bibig, at kahit ano pa katindi ng pagkainis ko, ay hindi ako magbibitaw ng salita o magmumura (kung saan napakagaling ko), lalo pa at nahaharap ako sa hindi maiiwasang pangyayari na labis na nagpapairita sa akin - at ito ang pagco-commute.
Tinakpan ko ng panyo ang aking ilong na masyadong maselan sa allergies. Ang amoy ng krudo ay nagdadala ng nakakainis na kiliti sa ilong ko at naggiging dahilan ng aking paghatsing. Paghahatsing na nagdadala ng libu-libong viral bacterias to the already polluted air.
Napakainit ng hapon na iyon. Nakaupo ako sa punit na upuan ng bus - na dahil sa tagal ng panahong pagsisilbi nito ay konti na lang ang natitirang foam; katabi ang aking ilang bags, paper bag na naglalaman ng ilang libro, at isang caddy ng gummy bears.
Inis na inis na ako dahil sa matagal na paghihitay na makaalis ang bus sa maingay na terminal na 'yon. Goodness! Nakaupo ako doon na mahigit isang oras at ang bus ay nananatiling hindi pa umaandar. Nagsawa na ako sa paglalaro sa aking mobile phone, at kahit inanatok na, ay pinaglalabanan ko 'yon dahil baka magising na lang ako na ang tanging natira sa akin ay ang aking puri at dangal, dahil sa dami nang nagkalat na mandurukot. Minsan na akong nabiktima ng isang walang konsensiyang magnanakaw sa mismong terminal na 'yon - na gustung-gusto kong isumpa nang dukutin nito ang cellphone na birthday gift sa akin ng parents ko.
Gusto ko ng magmura, as in! Kakainis! Nangangamoy na ako tulad ng sunog na mais - tiningnan ko ang aking mukha sa aking handy mirror - gosh! Pimples! Eii! I was about to wobble my knees in dread exasperation nang pumanhik na ang matandang driver at bumusina. I did smile - promise - ngumiti talaga ako, out of delighted high spirits and relief! At last, umaandar na ang bus at nagsimula ng gumalaw. Oo, gumagalaw tulad ng tamad na pagong sa gitna ng traffic. Para kaming sumusunod sa prusisyon ng patay na ililibing.
Mabuti na lang at wala akong katabi sa upuan. I grinned inwardly. Nakikinita ko na ang aking sarili na makakatulog ng mahimbing in any minute. Ipinikit ko ang aking mga mata at dinama ang malamig na simoy nag hangin kasama ang banayad na sinag ng araw na tumatama sa aking pisngi. Nakakapagdulot sa akin 'yon ng mapayapang pagkakahimbing, at maya't maya pa ay, nanaginip ako ng mga bakang may pakpak, at nagsasalitang mag donkeys, kung saan naglalakad sa latian na natatakpan ng iba't ibang kulay na marshmallows - ang mga lollipops ay namumukadkad mula sa mga silver trees at merong naggagandahang rainbow-colored roses' petals na nahuhulog mula sa pink clouds na gawa sa cotton candies - at ang mga ibon ay kumakanta ng isang familiar song.
Narinig ko na may tumatawag sa akin mula sa kung saan. Hinanap ng aking mga mata ang pinagmumulan ng tinig, at parang pinukpok ng martilyo ang ulo ko pagkakakita sa isang napaka-guwapong lalaki - nakangiti...
"Excuse me..." isang boses ng lalaki ang gumising sa akin. Hindi ako dumilat o gumalaw. Naiinis ako dahil sa intrusion ng kung sino mang damuho na naging dahilan ng pagkaputol ng aking panaginip. Ayaw kong dumilat, dahil ayaw kong makita ang view sa loob ng bus. Mabuti pang habang-buhay akong tulog at mamuhay saaking ilusyunadang panaginip kaysa ang magising sa loob ng bus.
"Excuse me, miss...your big butt occupies the entire seat. Puwede bang umusog ka ng konti...: naririnig ko na naman ang boses ng lalaking 'yon na tila natatawa. At dahil sa sinabi niya, naragdagan ang sakit ng aking ulo.. Aba, nagahahanap yata ng away ang bruhong 'to. Inaamin ko, may kalakihan nga ang pang-upo ko, pero, napaka-hyperbolic naman yata para sabihin ng unggoy na 'yon na inuukopa ng puwet ko ang buong upuan.
Bigla kong binuksan ang aking mga mata at sabay na ibinuka ang aking bibig para awayin ang lalaking 'yon - ang antipatikong lalaking 'yon - para lamang muling isara nang makita ng aking dalawang mata ang may-ari ng tinig na 'yon. Nakangiti pa siya.
Sumasal ang tibok ng puso ko.Ashton Kutcher!Nakatayo sa harapan ko ang isang guy na may malaking pagkakahawig sa tremendous crush ko sa Hollywood. At ang lalaking ito, aaminin ko, sa tingin ko lang ha, ay mas guwapo pa kaysa kay Ash, as if Mother Nature had pulled out her dummy again and pared and fashioned until she had come up with a first-hand, ameliorated version of what had been pretty darned awe-inspiring in the first place.
Matangkad siya, towering easily over my own height. He stood with a looseness and lankiness that I found instantly alluring. He had the same effortless grin as Ash, in a face that was more sculptured, more striking, with a long straight nose, animated, genial and convivial eyes - a high forehead beneath a cap of black hair as lustrous and deep in hue as a starless sky. The guy, to put it laconicly, was a ladykiller! Ang guwapo-guwapo niya!
Para akong namalikmata, nanatili akong tulala habang pinagsasawa ang aking mga mata sa katititig sa kanya.
"Satisfied with what you're seeing?!" sabi niya sa natatawang tinig.
Doon ako natauhan, dali-dali kong inilayo ang paningin ko mula sa kanya, I was greatly embarrassed. Nagkibit-balikat ako para itago ang kakatwang damdamin na biglang napukaw sa loob ko.
"Nothing is so extraordinary - walang kakaiba," depensa ko sa aking sarili. May pakiramdam ako na hindi siya naniniwala sa sinabi ko. Puwes, wala akong pakialam, kinuha ko sa upuan ang mga luggages ko at kinandong. Umusog ako palapit sa bintana. Umupo siya sa tabi ko na may ngiti sa kanyang mga labi. I found him devastatingly damn kissable. Ipinilig ko ang ulo ko para ipagtabuyan ang tila abnormal thoughts ko tungkol sa kanya.
"Ang dami mo naman yatang bagahe. Bakit maglalayas ka ba o may tinatakbuhang ulyaning matandang mapapangasawa?" nag-init ang tenga ko pagkarinig sa sinabi niya. Aba, ang unggoy na 'to, feeling close at nanunukso pa.
"Are you talking to me?" I snapped.
"Yeah, I think so..."
"A, ganoon...pwes, 'wag kang mag-aksaya ng panahon mo, dahil wala akong ambisyon na makipag-usap o makipagkilala sa'yo. It is not of your damn business kahit scraped metals ang laman ng bag ko, at mas lalong wala kang pakialam kung maglalayas man ako!" ang tinitimpi kong pagkainis ay tuluyan ng lumaya at malas lang ng mestisong unggoy na 'to at siya ang napagbuntunan. "Kaya, kung wala kang magawa sa buhay mo, 'wag mo akong pakikialaman, have a bite of dust and evaporate!"
Akala ko ma-o-offend siya dahil sa sinabi ko, nagkakamali ako, dahil sa halip, tumawa siya ng malakas.
"Why, never kong ini-expect na suplada ka, Babe!"
BABE?! "Don't you dare call me Babe. Hindi ako baboy and I certainly don't look like one! Bakit, ano ba ang inaasahan mong maggiging reaksiyon ko sa pakikialam mo sa akin? Maglulundag sa tuwa?! Dream on!"
"Okay, sorry kung naiirita ka dahil sa curiousity ko - "
"Fine, excuse me, but I don't talk to strangers - "
"Ows? Talaga? Well, as far as I am concerned, kanina ka pa nakikipag-usap sa stranger, sa akin!"
"Argh, will you shut up?! Ba't ba kinakausap kita?! Wala naman akong pakialam sa'yo!"
" You are talking to me dahil hindi mo kayang i-resist ang charm ko!"
Yikes! The nerve of that guy! Ang kapal ng mukha! Masyadong mahangin, palibhasa totoo naman na guwapo siya. Pakiramdam ko umuusok ang ulo ko sa sobrang inis.
"Oo, tama ka nga, napakaguwapo mo! Pathetic, masyado kang desperado!" pang-iinsulto ko pa sa kanya.
Mas lumakas pa ang tawa niya. Niyakap ko ang mga bags ko palapit sa akin, at nagkunwang inaalis ang mga alikabok na kumapit sa isa kong bag para i-deny ang existence ng guwapong luko-luko na nakaupo sa tabi ng pagod kong katawan. At para hindi na maragdagan ang ang pagkapahiya ko, ay pinaglabanan ko ang urge na tumingin sa direksiyon iya. Pinilit ko ang aking sarili na i-enjoy ang view sa labas ng bintana, at para na rin hindi masilayan ang guwapong mukha ng katabi ko. Masakit na ang ulo ko, at nagkaka-neck strain pa ako, pero, kailangan kong i-endure ang sakit 'wag lang tumingin sa katabi ko. Alam kong alam niya ang nangyayari, dahil naririnig ko ang mahinang tawa niya, kung inaakala niyang magkakandarapa ako sa kaguwapuhan niya, pwes, he's definitely right - nyeh... wrong pala! Never!
All of a sudden - hindi ko inaasahan, a stupenduous burst of magic blasted in a maximum ignition nang dumaiti ang siko niya sa siko ko. Ang kauna-unahang pagdikit ng balat niya sa balat ko ay tuluyang gumuho sa lahat ng protection na itinayo ko para sa aking sarili - that brief physical contact powedered down all my defenses - pakiramdam ko ang simpleng pagdaiti ng mga balat namin ay nagdala ng pagbabago sa buong buhay ko - in my 19 years of life, pakiramdam ko naging kumpleto ang buhay ko dahil doon. As two flesh bumped into an uninvited collision, it caused myriad of avalanches to my riveting senses. Nanlamig ako! Whaaah!
Sinadya kong bawiin ang kamay ko. Napaka-obvious ng ginawa ko, at nakita ko siyang nakangiti. Nakakasuya! Nakakahiya! I wished I would vanish in no time!
Ngumingiti pa rin siya, in spite of myself at sa nararamdaman kong animosity towards him, nginitian ko rin siya. Ang gusto ko sana ay ngumiti ng pang-iinsulto, pero, iba ang nangyari. My smile was quite real! Sa tingin ko kasi, there was something about the way his smile ruptured over his face like the sun becoming apparent, dawning on a new day - at tila napaka-imposible na hindi ako gumanti ng ngiti kahit alam kong iniinis niya ako.
Habang ngumingiti ako ay tinitingnan ko ang mukha niya, natigilan ako - nagniningning ang kanyang mga mata. At hindi lang 'yon ang nakikita ko, dahil in their dark unfathomable depths, may nakikita akong iba, pangungulila na tila ba patungkol sa akin. Mabilis kong ibinaba ang aking paningin, siguro dahil sa aking sariling pangungulila ang naging sanhi para makita ko 'yon, kahit na napakalinaw sa akin na mula 'yon sa kanya. I felt I was so vulnerable - mahina. Damn! Nagkakagusto na yata ako sa lalaking ilang minuto ko pa lang nakakasama, ni hindi ko pa alam kung ano ang pngalan niya. Hep! Masyadong maaga! After all, he's a stranger! Binawi ko ang paningin ko mula sa kanya at inabala ang aking sarili sa pag-arrange ng aking mga bags sa aking kandungan.
"Siguro, mabigat 'yong mga bags mo," narinig kong sabi niya, "ibigay mo sa akin at ako na ang magdadala para sa'yo."
Bago pa ako tumanggi ay nag-umpisa na siyang kunin ang mga bags ko. Sa muli, our bodies made contact with each other at nanginig ako. Langhap na langhap ko ang pabango niya. He's so masculine. Pumikit ako ara ipagtabuyan ang masarap na damdamin na dala ng aming pagkakalapit para lamang matagpuan ang aking sarili na nahahatsing! At 'yun na! Prang gusto kong isumpa ang aking allergies sa pagsira ng aming moment toigether.
"Excuse me..." tanging nasabi ko matapos ang kahiya-hiyang paghatsing na yumugyog yata ng buong bus. Iba-ibang mukha ng mga pasahero ang nakatingin sa akin - iba-ibang reaksyon - ng pagkagulat, ng pagkainis, at ang iba nama'y natatawa! Bakit, ni minsan ba ay hindi pa sila nakakatagpo ng isang tao na kung humtasing ay daig pa ang nakakatakot na tunog ng kulog?
Habang nakatingin ako sa sari-saring mukha ng mga tao, a tv toothpaste ad paraded its ingenuous concept in the ridges of my tattered brain. Indeed, in a sea of strangers where everyone is just a face, one could stand out for just his smile - at katulad nu'n ang eksenang kinapapalooban ko ngayon.
"It's all right..." narinig kong sabi niya, "pero, babe, gusto ko lang ipaalam sa'yo na, naligo muna ako bago sumakay sa bus na 'to!" hay, napakadaldal talaga ng mokong!
"Yung cologne na gamit mo ang cause ng paghatsing ko! Ano ba ang brand name?"
"Cologne?"
"Sure, what else?" Para akong palaka na nagulat dahil sa boses ko. Naiinis ako sa aking sarili dahil para akong lovesick teenybopper na kanakabahan at kinikilig sa t'wing makikita ang crush! "Ganyan ka ba talaga na hindi nakakaintindi sa sinasabi ko?! Tinatanong kita kung ano ang brand name ng cologne mo!"
"AKO!" malinaw niyang sagot. Uminit ang pisngi ko!
"A, inaamin mo na ang iyong sariling amoy ang dahilan ng pagkakahatsing ko!" One point for me! Ewan, pero, ako 'yung tao na hindi nagpapatalo sa ano mang word war!
"Nah... Personally, hindi ko alam - hindi kasi ako gumagamit ng cologne, eh..." at na-gets ko ang point niya. Gusto niyang isipin ko na hindi na niya kailangan pang gumamit ng cologne para maging attractive siya sa opposite sex. Uh... damned if he probably wasn't right! Super kapal talaga!
Tiningnan ko siya ng masakit, at ibinaling ang paningin sa labas ng bintana. Maraming mas importanteng bagay na daat kong isipin kaysa makipagclose sa isang estranghero na ubod ng presko! Hay, pero kahit anong pilit ko na ibaling ang pag-iisip sa iba, hindi ko magawang alisin sa isipan ko ang guwapo kong katabi. At sa loob ng dalawan oras o mahigit pa ay makakasama ko ang anonymous clod na 'to - ano'ng daat kong asahan? Oo nga, guwapo siya, pero, nakakainis naman, pero, hindi ko magawang i-ignore siya. Tiningnan ko siya ulit.
Hinuli niya ang mga mata ko, "Talaga bang nagaguwapuhan ka sa akin, babe, at panay ang panakaw mong sulyap?"
Hep, kumalma ka, dear self, "Hm... no... iniisip ko lang na na, napakamalas ko dahil nakatabi ko ang pinaka-conceited na E.T. dito sa mundo naming mga tao."
"Oh, really? Sigurado ka? E.T. ako? Extra Tempting na hindi mo kayang i-resist ang nakakabibighani kong kaguwapuhan?"
"Duh...kilabutan ka!"
"Uh-oh... sweet liar! Ngayon, sabihin mo sa akin, why do you find me so darned captivating?"
Hindi man lang nag-iisip, na tila ba nawala ako sa paraiso, nasabi kong: "Kamukha mo kasi si Ashton Kutcher, my crush -"
"Heehaw! So, that's it!" nanunuksong sabi niya, na ikinapamula ng mukha ko, "pero, bakit si Ashton Kutcher?! Bakit hindi 'yong ibang partikular at hindi masyadong ma-ambisyon na crush?!"
"Gusto ko si Ash, that's why..."
"I see, bakit? Talaga bang magkamukha kami?"
"In some ways, oo..."
"Could you be more specific..."
Katulad ng madalas kong sabihin sa mga kaibigan ko sa tuwing kinukulit nila ako kung bakit si Ash ang crush ko, sinabi kong..." Kasi, para sa akin - ang guwapo-guwapo niya!"
Naningkit ang mga mata ng katabi ko, "Ah, kaya sa palagay mo magkamukha kami!"
Huling-huli ako! Hindi ako tumitingin sa kanya. Kung hindi ko siya titingnan, siguro titigil siya sa pag-eexist. Hindi ako sanay na magsabi sa kahit sinong lalaki na guwapo siya lalo pakung napaka-obvious na talagang guwapo siya. I cleared my throat.
"Objectuvely speaking," sabi ko, at last, "oo, sasabihin kong guwapo ka nga," tumingin ako sa kanya. Sinikap kong maging natural ang dating ng sinabi ko. Pero, ng magtama ang aming mga mata, alam kong ang kanyang mga mata ang dahilan kung bakit nanginginig ang mga tuhod ko, napakahirap umastang hindi ako affected. Ibinaba ko ang aking mga mata.
"And speaking personally?" umusog siya palapit sa akin. My breath caught inside my throat. Pakiramdam ko lumaki ang puso ko dahil naririnig ko ang malakas na tibok nito, maingay tulad ng bass drum sa marching band. Waaah! Ano ba 'tong ginagawa niya sa akin?! Usually, I consider myself as the most pragmatic of all human beings, pero, ngayon, punung-puno ang ulo ko ng mga uncertainties.
Tumigil ang bus, at natigil ang akingpag-iisip. Isang lalaking lasing ang sumakay ng bus. Lumapit ito sa upuan namin at ngumiti ng nakakaloko. Kinabahan ako. Tumingin ako sa katabi ko, ay naku! Napaka-kumportable ng pagkakaupo niya, na tila bang walang pakialam sa paligid niya.
Bigla akong nagsisi dahil sa pagsusuplada at paggigig unfriendly ko sa kanya. Nahaharap ako a isang sitwasyon na walang mahihingan ng tulong. Haaayyy... ano ba naman 'to? Uupo na ang lalaking lasing nang hindi ko inaasahang makiialam ang guwapong antipatikong katabi ko. This time, salamat sa kanya!
"Pare, pasensiya na, eprokailangan kong makatabi ang girlfriend ko," kalmado niyang sabi. Nadismaya ang lasing, at na-shock ako," Alam mo kasi, pare...nahihilo 'tong girlfriend ko sa biyahe lalo na 'pag nahanginan ang likod niya. Mahina kasi ang baga niya, hindi kaya ang lamig," he was pulling a fast one to obviate me.

No comments: